[Q3] PAGLIKHA NG MGA BAGONG SALITA SA PAMAMAGITAN NG SALITANG UGAT AT MGA PANLAPI
Paglikha ng mga Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang-Ugat: Unlapi, Gitlapi, at Hulapi By Pj Miana Panimula Ang wika ay patuloy na umuunlad, at isa sa mga paraan ng pagpapalawak nito ay sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong salita. Ang panlapi at salitang-ugat ay mahalagang bahagi ng proseso ng paglikha ng mga salita. Sa tulong ng mga unlapi, gitlapi, at hulapi, maaari nating palawakin ang ating bokabularyo at gumawa ng mga bagong kahulugan. 1. Unlapi: Ang unlapi ay mga panlaping inilalagay sa unahan ng isang salitang-ugat. Ito ang unang bahagi ng salitang binubuo. Halimbawa: - Nag- : Pinagsama ang "nag-" at "luto" upang mabuo ang "nagluluto." - Mag- : Ang "mag-" at "sulat" ay nagsama upang mabuo ang "magsusulat." - Nagpa- : Ang "nagpa-" at "gawa" ay nagsama upang mabuo ang "nagpagawa." Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng unlapi, maaari nating baguhin ang kahu