Posts

Showing posts from March, 2024

[Q3] FILIIPINO 6 3RD Q REVIEWER

Image
 [Q3] FILIIPINO 6 3RD Q REVIEWER Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ukol rito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.   1. Bakit madaling umiyak ang mga babae kaysa mga lalaki?                 a. Dahil mas emosyonal sila.                 b. Dahil gusto lamang nila ito.                 c. Dahil duwag ang mga babae.                 d. Dahil masayahin ang mga babae. 2. Paano nakatutulong ang pag-iyak sa ating kalusugan?                 a. Nakapagpakinis ito ng balat.                 b. Nakakatanggal ito ng sakit sa puso.                 c. Nakakataba ang palaging pag-iyak.                 d. Nakapagpagaan ito ng bigat na ating nararamdaman, dahil inilalabas nito ang mga                     stressful hormones.              Pinsala ni Ulysses sa imprastraktura at agrikultura abot na sa P10 bilyon            MANILA, Philippines — Aabot na sa P10 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura. Ayon kay Nation

[Q3] QUIZ - FILIPINO- MGA URI NG PANGUNGUSAP

[Q3] QUIZ - FILIPINO- MGA URI NG PANGUNGUSAP PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Anong uri ng pangungusap ang sumusunod: "Si Juan ay naglalaro ng basketball sa park."    A) Pasalaysay    B) Pautos o Pakiusap    C) Padamdamin    D) Patanong 2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pangungusap na pautos o pakiusap?    A) "Nasaan ka na?"    B) "Pakisabi sa akin ang iyong pangalan."    C) "Kumain ka na ba?"    D) "Anong oras na ba?" 3. Anong uri ng pangungusap ang sumusunod: "Ang aming pamilya ay masaya sa pagkapanalo niya sa paligsahan."    A) Pasalaysay    B) Pautos o Pakiusap    C) Padamdamin    D) Patanong 4. Alin ang tamang halimbawa ng pangungusap na patanong?    A) "Anong oras na?"    B) "Ang saya ng ating paglalaro."    C) "Nasaan ang iyong bag?"    D) "Kumain ka na ba?" 5. Anong uri ng pangungusap ang sumusunod: "Salamat sa iyong tulong."    A) Pas

[Q3] MGA URI NG PANGUNGUSAP

Image
  Pag-unawa sa mga Uri ng Pangungusap Ni Pj Miana Sa wikang Filipino, ang mga pangungusap ay maaaring uriin sa iba't ibang paraan batay sa kanilang estruktura at layunin. Ang pagkakaiba-iba ng mga ito ay mahalaga upang maipahayag nang wasto at maliwanag ang ating mga kaisipan at ideya. Narito ang mga pangunahing uri ng pangungusap:   1. Pangungusap Pautos: Ang mga pangungusap pautos ay na gbibigay ng mga utos, panawagan, o hiling. Karaniwang nagtatapos ang mga ito sa tuldok o sa tandang padamdam depende sa tono ng pangungusap.   Halimbawa: - Pakiabot mo nga ang asin. - Tumayo ka nang maaga bukas. - Pumasok ka na sa loob ng bahay.   2. Pangungusap Patanong: Ang mga pangungusap patanong ay nagtatanong ng impormasyon o kaalaman. Karaniwang nagtatapos ang mga ito sa tandang tanong.   Halimbawa: - Saan ba matatagpuan ang librong hinahanap mo? - Nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin? - Anong oras ba magsisimula ang palabas?     3. Pangungusap Paha