[Q3] FILIIPINO 6 3RD Q REVIEWER

 [Q3] FILIIPINO 6 3RD Q REVIEWER

Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ukol rito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

 



1. Bakit madaling umiyak ang mga babae kaysa mga lalaki?

                a. Dahil mas emosyonal sila.

                b. Dahil gusto lamang nila ito.

                c. Dahil duwag ang mga babae.

                d. Dahil masayahin ang mga babae.

2. Paano nakatutulong ang pag-iyak sa ating kalusugan?

                a. Nakapagpakinis ito ng balat.

                b. Nakakatanggal ito ng sakit sa puso.

                c. Nakakataba ang palaging pag-iyak.

                d. Nakapagpagaan ito ng bigat na ating nararamdaman, dahil inilalabas nito ang mga

                    stressful hormones.

 

           Pinsala ni Ulysses sa imprastraktura at agrikultura abot na sa P10 bilyon

          

MANILA, Philippines — Aabot na sa P10 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Peter Galvez na ang pinsalang iniwan ng naturang bagyo sa sektor ng agrikultura ay pumapalo na sa P4 billion, habang sa imprastraktura ay nasa P6.1 billion. Mababatid na mahigit 70 katao ang binawian ng buhay nang manalasa ang bagyong Ulysses, at ilang ari-arian din ang nasira, nang dumaan ito sa ilang bahagi sa Luzon. Bukod dito, halos kalahating milyon ang nawalan ng bahay dahil sa epekto ng bagyo. Nakaranas ng malawakang pagbaha ang Cagayan Valley matapos na magpakawala ng tubig ang Magat Dam mula sa kanilang reservoir para maiwasan na pumalo ito sa kanyang spilling level.

                                                                                        Hango mula sa: Pilipino Star Ngayon

 

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa ulat na napakinggan at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel o notbuk.

 

3. Sino ang nagsabi na ang pinsalang iniwan ng bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura ay pumapalo na sa P4 bilyon habang sa imprastraktura ay nasa P6.1 bilyon?

                 A. Si Peter Galvez                         B. Si Mike Enriquez

                 C. Si Arnold Clavio                        D. Si Ivan Mayrina

 

 

 

4. Ano nangyari sa mga lugar na napinsala ng bagyong Ulysses?

                 A. Nakaranas ng malawakang init.

                 B. Nakaranas ng malawakang pagbaha.

                 C. Nakaranas ng malawakang pag-ulan ng yelo.

                 D. Nakaranas ng malawakang pag-ulan ng apoy.

5. Ano ang nangyari sa bahay ng mga taong hinagupit ng bagyo?

                 A. nasira          B. gumanda        C. nagiging mas matibay     D. nagiging kaakit-akit tingnan
6. Ang ibig sabihin nito ay katwiran o pangangatwiran na ginagamit sa pagtatalo

                 A. pagdebate         B. Argumento            C. bangayan           D. diskurso

7. Sa paanong paraan ka makikipagtalo sa iyong kapwa?

                 A. pasigaw                                 C. galit na galit

                 B. kalmado                                 D. mahinahon at magalang

8. May nasagap kang balita tungkol halimbawa sa deborsyo na ito ay legal. Paano mo ito sasabihin sa iyong kaibigan na tutol sa mga ganitong usapin?

                 A. sabihin sa kanya ng may basehan

                 B. makipagtalo sa kanya na walang basehan

                 C. iparamdam sa kanya na natuwa ka sa iyong narinig

                 D. kumbinsihin siya na magandang balita na ginawang legal ang diborsyo

9. Kapag may nakikipagtalo sa iyo tungkol sa isang bagay, at pakiramdam mo ay mali siya sa kanyang mga sinasabi, ano ang dapat mong gawin?

                 A. sabihin kaagad na mali siya sa kaniyang mga sinasabi

                 B. huwag husgahan kaagad at pakinggan ang kanyang mga pahayag

                 C. huwag na lang siyang pakingggan at balewalain

                 D. iwanan na lang siyang nagsasalita

10. Ang mga sumusunod na kaisipan ang mga dapat tandaan sa pakikipagtalo maliban sa isa.

                 A. makinig sa pahayag

                 B. maging magalang sa mga sinasabi

                 C. maghintay hanggang matapos ang nagpapahayag

                 D. makipagsigawan at huwag makinig ng Mabuti

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Isulat ang titik ng iyong sagot ayon sa hinihinging impormasyon sa nakalarawang balangkas sa sagutang papel o notbuk.

 

                                   Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

             Noong unang panahon, may isang matandang babae na may magandang hardin ng mga bulaklak sa tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na bumibisita ang mga mangingisda at ang kanikanilang pamilya sa matandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang magaganda at mababangong bulaklak mula sa hardin. Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang matandang babae dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran na may kasamang magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag-aalaga ng tanim. Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi lang nito na wala siyang kasama. Isang araw, may mag-asawang bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang hardin. Pumasok sila at pumitas ng bulaklak ng walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan lamang nila dahil sa pangit nitong anyo. Dahil sa kalapastanganan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap. Noon din ay nagbago ang anyo ng dalawa na naging paruparo at nakita lamang ng taumbayan na may kakaibang kulisap na aali-aligid sa mga bulaklak.

 

11. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

                  A. Magandang babae, mangingisda at mag-asawa

                  B. Matandang babae, mangingisda at mag-asawa

                  C. Matandang binibini, mangingisda at mag-anak

                  D. Matandang babae, mangingisda at mag-anak

12. Saan naganap ang mga pangyayari?

                   A. Sa may tabi ng dagat.                      B. Sa may tabi ng ilog.

                   C. Sa may tabi ng lawa.                        D. Sa may tabi ng sapa.

13. Bakit naging magandang kulisap ang mag-asawa sa kuwento?

                   A. Dahil sila ay magalang sa matandang babae.

                   B. Dahil sila ay masunurin sa matandang babae.

                   C. Dahil sila ay nagpaalam na mamitas ng bulaklak.

                   D. Dahil sa kalapastanganang ginawa ng mag-asawa.

                     

 

14. Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang magkasunod na salita.

            A. Pangatnig               B. Pang-abay              C. Pang-angkop           D. Pang-ukol

15. Matulin ___ tumakbo si Lydia de Vega.

            A. at                 B. g                 C. na                      D. ng

16. Ang mga mag-aaral ay matatalino ___ mga bata.

            A. at                 B.g                  C. na                      D. ng

17. Hindi ko palalampasin ang matatamis na prutas sa Davao. Anong dalawang salita ang pinag-uugnay ng pang-angkop na na sa pangungusap?

            A. matatamis at Davao                          C. palalampasin at prutas

            B. matatamis at prutas                          D. prutas at Davao

18. Alin sa mga sumusunod na parirala ang may wastong pang-angkop na ginagamit?

            A. balong na malalim                             C. mabuti na Pilipino

            B. mabait na kaibigan                            D. mabuting na kapatid

19. Ito ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay, o pangungusap. Maari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw.

            A. Pangatnig             B. Pang-abay              C. Pang-angkop           D. Pang-ukol

20. Heto na, tikman mo. Ano ba ang mas masarap, ang adobo ______________ ang mechado?

             A. at                       B. dahil                       C. ngunit                     D. o

21. Anong uri ng panlapi ang pa- at -hin sa salitang pasayahin?

             A. Gitlapi                 B. Hulapi                     C. Kabilaan                  D. Unlapi

22. Anong uri ng panlapi ang -in- sa salitang hiniram?

             A. Gitlapi                 B. Hulapi                      C. Kabilaan                  D. Unlapi

23. Anong uri ng panlapi ang -han sa salitang umpisahan?

             A. Gitlapi                 B. Hulapi                      C. Kabilaan                  D. Unlapi

24. Anong uri ng panlapi ang -um- sa salitang lumangoy?

             A. Gitlapi                 B. Hulapi                      C. Kabilaan                  D. Unlapi

25. Anong uri ng panlapi ang ka- at -han sa salitang kabayanihan?

             A. Gitlapi                  B. Hulapi                     C. Kabilaan                  D. Unlapi

26. “Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.”

             A. Bunga                  B. Katotohanan             C. Opinyon                 D. Sanhi

27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng isang katotohanan?

             A. Hindi mapasubalian                             C. Hindi nababago

             B. Tanggap ng lahat ng tao                      D. Hindi maaaring mapatunayan

 

 

28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng isang katotohanan?

            A. Ayon sa Bibliya, masama ang pagsisinungaling.

            B. Sa Baguio raw dapat magtayo ng buhay-bakasyunan.

            C. Sa tingin ko, mas sikat na artista si Angel Locsin kaysa kay Marian Rivera.

            D. Kung ako ang tatanungin, pinakamagaling na mang-aawit si Regine Velasquez.

29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng isang opinyon?

            A. Lahat ng buhay ay humihinga.

            B. Sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas.

            C. Ang isa dagdagan ng dalawa ay magiging tatlo.

            D. Para sa akin, si Hanna ang pinakamaganda sa tatlong magkakapatid.

30. Ang _______ay  isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba.

            A. Bunga            B. Katotohanan               C. Opinyon                D. Sanhi

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Panuto: Basahin ang sumusunod na infomercial.

 

                                                           “Pantawid Pamilya”

 

                Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyunal na tulong pinansyal para sa pinakamahirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong pinansyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin America at Africa, na naialpas sa kahirapan ang milyun-milyong tao sa buong mundo. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong ahensya ng pamahalaan na namamahala sa 4P’s. Ipinapatupad ang 4P’s sa lahat ng 17 rehiyon ng Pilipinas, saklaw ang 79 probinsiya, 143 lungsod, 1 484 munisipalidad. Nitong Hunyo 24, 2015, umabot na sa 4 436 732 ang mga rehistradong pamilyang benepisaryo, kung saan 555,861 ang mga pamilyang katutubo at 221, 145 ang may isa o higit kasaping may kapansanan (PWD).

 

Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

 

31. Ano ang paksa ng inyong napanood o pinakinggan?

                A. Pantawid Pamilyang Pilipino Program

                B. Department of Social Welfare and Development

                C. Condition Cash Transfer

                D. Social assistance

32. Anong ahensya ng pamahalaan na namamahala sa 4P’s.?

                 A. DPWH                B. DepEd              C. DSWD                D. DOH

33. Anong kondisyunal na tulong ang ibinibigay ng pamahalaan para sa pinakamahirap na Pilipino?

                 A. Kondisyunal na mabigyan ng trabaho

                 B. Kondisyunal na tulong pinansyal

                 C. Kondisyunal na tulong pang-ekonomiya

                 D. Wala sa nabanggit

34. Ang mga batang may edad ______________ taong gulang ay saklaw ng programang 4P’s.

                 A. 0 hanggang 15                 B. 0 hanggang 16

                 C. 0 hanggang 17                 D. 0 hanggang 18

35. Kailan umabot ng 4,436,732 ang mga rehistradong pamilyang benepisaryo, ng 4P’S?

                 A. Hunyo 24, 2015                 B. Hunyo 24, 2016

                 C. Hunyo 24, 2017                 D. Hunyo 24, 2018

36. Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita ng nagpapahayag ng buong __________.

                 A. damdamin               B. diwa              C. galak             D. salita

37. Ito ay halimbawa predikatibong pangungusap.

                 A. Alas dos na.           B. Naku po!          C. Pogi ang bata.           D. Mamaya na,

 

38-40. Tukuyin kung anong uri ng tula ang nababasa.

38.

        A. Akrostik                        B. Cinquain                       C. Diamante                  D. Haiku

39.

      A. Akrostik                       B. Cinquain                      C. Diamante                   D. Haiku

40.

       A. Akrostik                      B. Cinquain                      C. Diamante                    D. Haiku

 

41. Isang uri ng panitikan na binubuo ng mga salitang maingat na pinili upang makapagpahayag ng saloobin na inilalahad sa iba’t ibang uri o paraan.

                A. Kuwento               B. Panitikan               C. Sanaysay             D. Tula

____42.Ano ang kadalasan ipinagdiriwang ng mga Pilipino taon taon na kung saan nagpapakita ng pasasalamat sa mga patron?

                A. Kasal                    B. piyesta                 C. Kaarawan        D. Araw ng Puso

____43.Kailan madalas ipinagdiriwang ang piyesta?

                A. Tag-init                                  B. Tag-ulan              

                C. Taon taon                              D. Tuwing kabilugan ng buwan

 

                                                    ANG PAMAHALAANG SULTANATO

 

              Bago dumating ang mga Muslim sa Mindanao, mayroon nang maliliit na pamayanang tinatawag na banwa sa Sulu. Ang mga banwa ay pinamumunuan ng mga datu o raha. Noong 1450, si Abu Bakr ay naglayag mula Sumatra papunta sa Sulu. Noong lumaon pinakasalan niya si Paramisuli na anak ni Raha Baginda. Nang mamatay si Raha Baginda, si Abu Bakr ang humalili sa kanya bilang raha. Sa pamumuno niya, pinag-isa ang mga banwa at bumuo ng isang sultanato sa Sulu. Ito ay kalipunan ng mga banwa na pinamamahalaan ng isang sultan. Si Abu Bakr ang kauna-unahang sultan ng Sulu. Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sultanato. Siya ang punong tagapagpaganap, hukom, taga-pagbalangkas ng mga batas, at pinuno ng mga mandirigma. Dahil sa lawak ng tungkuling ginagampanan ng isang sultan, siya at tinutulungan ng ruma bichara, kadi, ulama, panglima, pandita at imam. Ang ruma bichara ay isang lupon ng tagapayo na binubuo ng raha muda o tagapagmana ng sultan, maharaja adinda o pangalawang tagapagmana ng sultan, mga datung mayayaman at makapangyarihan, sharif at iba pang taong iginagalang. Tinatalakay at pinagpapasyahan ng lupon ang mga bagay na may kinalaman sa batas, pananalapi at pangangalakal. Ang kadi ay isang tao na nagpapaliwanag ng tunay na kahulugan ng Koran at tinitiyak niya na hindi labag sa aral ng Islam ang mga batas. Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at nagbibigay payo sa sultan ukol sa relihiyon. Ang panglima ay mga pinunong tagapaganap ng Sultan o tagapagpatupad ng mga batas na pinagtibay na sa mga masjid o distrito. Sila ang may kapangyarihang maningil ng buwis. Ang pandita ay tagapayong panrelihiyon ng panglima. Ang imam ay katulong naman ng pandita sa pangangasiwa ng mga distrito. Nagtagumpay ang sultanato ng Sulu upang pag-isahin ang iba’t-ibang pangkat etniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao. Nasa ilalim ng pangangasiwa ng sultanato ng Sulu ang Tawi-tawi, Basilan, dulong timog ng Zamboanga, Palawan at Sabah na nasa dulong hilaga ng Malaysia. Tumagal ng limang dantaon ang sultanatong ito.

 

44.Lugar ng Sulu na kung saan pinamumunuan ng datu o raha?

                      A. sumatra               B. Banwa ng sulu    C. talipao            D. Pangutaran

45.Sino ang naglalayag mula Sumatra papunta sa Sulo noong 1450 naging raha banwa ng Sulu?

                      A. Ismael                B .Abu Bakr             C .Raha Baginda        D .Sharif kabungsuan




ANSWER KEY



No. Answer No. Answer

1 A 26 C

2 D 27 D

3 A 28 A

4 B 29 D

5 A 30 C

6 B 31 A

7 D 32 C

8 A 33 B

9 B 34 D

10 D 35 A

11 B 36 B

12 C 37 A

13 D 38 A

14 C 39 B

15 B 40 C

16 C 41 D

17 B 42 B

18 B 43 C

19 A 44 A

20 D 45 B

21 C 46 Guro ang magpapasya.

22 A 47

23 B 48

24 A 49

25 C 50






Comments

Popular posts from this blog

[Q4] Patalastas at Usapan: Ang Gamit ng Iba't ibang Bahagi ng Pananalita

[Q3] PAGLIKHA NG MGA BAGONG SALITA SA PAMAMAGITAN NG SALITANG UGAT AT MGA PANLAPI

[Q2] LONG QUIZ & PT REVIEWER